Hindi si Pangulong Duterte ang nag-initiate ng pag-uusap ni U.S. Pres. Trump – Palasyo

By Chona Yu February 09, 2020 - 02:21 PM

Nilinaw ng Palasyo ng Malakanyang na hindi si Pangulong Rodrigo Duterte ang nag-initiate ng pag-uusap ni U.S. President Donald Trump.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na ang mga mataas na opisyal mula sa kampo ni Trump ang maaring gumawa ng hakbang para makausap ang Pangulo.

“Hindi si Presidente ang nag-initiate, pwedeng ‘yung mga top adviser ni President Trump. Tandaan mo, ang magre-react ‘yung kabila kasi tayo ang nag-aabrogate,” ani Panelo.

Una rito, sinabi ni Panelo na mag-uusap sina Pangulong Duterte at Trump patungkol sa Visiting Forces Agreement (VFA) at iba pang ng paksa.

Ipinag-utos na rin ni Pangulong Duterte kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na padalhan na ng notice ang Amerika na ibinabasura na ng bansa nag VFA.

Ayon kay Panelo, ang kampo ni Trump ang kinakailangan na tumugon sa hakbang ni Pangulong Duterte.

TAGS: Rodrigo Duterte, Sec. Salvador Panelo, U.S President Donald Trump, VFA, VFA cancellation, vfa termination, Rodrigo Duterte, Sec. Salvador Panelo, U.S President Donald Trump, VFA, VFA cancellation, vfa termination

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.