Pangulong Duterte, nababahala sa epekto sa ekonomiya ng nCoV
Nababahala na si Pangulong Rodrigo Duterte sa epekto sa ekonomiya ng bansa dahil sa 2019-novel coronavirus acute respiratory disease (2019-nCoV ARD) outbreak.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo, ginagawan na ng paraan ng administrasyon para matugunan ang naturang problema.
“Every president will be bothered every time na the country is affected kaya ginagawan ng paraan,” ayon kay Panelo.
Una rito, sinabi ni Socio-economic planning Secretary Ernesto Pernia na aabot sa P133 bilyon ang mawawala sa ekonomiya kung tatagal ang krisis sa coronavirus ng hanggang Disyembre.
Ayon kay Panelo, pursigido ang pamahalaan na mahinto ang pagkalat ng naturang sakit.
Hindi lamang aniya ang Pilipinas ang apektado sa coronavirus kundi maging ang buong mundo.
“Alam mo lahat tayo sa buong mundo na apektado, ganyan ang resulta, kaya nga ginawan na ng paraan, lahat ng klaseng protocols inimplement,” ani Panelo.
Sa pinakahuling talaan ng health officials sa China, umabot na sa mahigit 800 ang nasawi dahil sa coronavirus.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.