30 Filipino galing Wuhan City, China nakauwi na ng Pilipinas
Nakauwi na ng Pilipinas ang 30 Filipino mula sa Wuhan City, China ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Ang Wuhan City ang ground zero ng 2019 Novel Coronavirus Acute Respiratory Disease (2019-nCoV ARD).
Sa inilabas na pahayag, sinabi ng DFA na lulan ang 29 Filipino at isang sanggol ng chartered flight na lumapag sa Haribon Hangar sa Clark Air Base.
Kasama ng mga napauwing Filipino ang team na kinabibilangan ng dalawang opisyal mula sa Philippine Consulate General sa Shanghai, tatlo mula sa DFA Office of the Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs (OUMWA), at limang medical team members mula sa Department of Health (DOH).
Pagdating ng Pilipinas, ligtas na inilipat ang mga Filipino mula sa eroplano patungo sa mga bus para madala sa Athlete’s Village sa New Clark City, Tarlac.
Sa Athlete’s Village kasi isasagawa ang 14 araw na mandatory quarantine ng mga Filipino.
Matatandaang lumipad ang team ng DFA sa Maynila patungong Wuhan City, Sabado ng gabi, para masundo ang ilang Filipino pauwi ng Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.