Ulat na ipinag-utos ni Pangulong Duterte ang pagpapadala ng VFA termination notice, “fake news” – Lorenzana

“This is fake news”

Ito ang naging pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ukol sa ulat na ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapadala ng notice of termination sa Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Sa panayam ng mga mamamahayag, sinabi ni Lorenzana na wala pang natatanggap na kautusan si Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr. na ipagbigay-alam sa Amerika ang umano’y kanselasyon ng VFA.

Mismong si Executive Secretary Salvador Medialdea aniya ang nagsabi sa kaniya na wala pang ibinababang direktiba mula sa pangulo.

Matatandang nagbanta ang Punong Ehekutibo na ibabasura ang VFA sa Amerika kung hindi itatama ang kinanselang U.S. visa ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa.

Read more...