P40 na bawas sa LPG ipinatupad ngayong araw, pero presyo ng langis may dagdag na hanggang P1

By Dona Dominguez-Cargullo February 01, 2016 - 06:36 AM

lpgNagpatupad ng malaking kaltas sa presyo ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) ang mga kumpanya ng langis ngayong araw.

Epektibo alas 12:01 ng madaling araw kanina, may rollback na P3.40 sa kada litro ng Gasul at Fiesta Gas ang kumpanyang Petron.

Katumbas ito ng P37.40 na rollback sa kada 11-kilogram na LPG cylinder ng Petron. Kasabay nito, magpapatupad din ng P1.90 na rollback ang petron sa kada litro ng kanilang Auto LPG.

Ang Eastern Petroleum naman alas 6:00 ng umaga kanina ay nagpatupad ng P3.36 na rollback ang sa kada kilo ng LPG o P36.96 kada 11-kilogram na tangke.

Samantala, matapos ang sunod-sunod na rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo nitong nagdaang mga linggo, may ipatutupad namang dagdag sa presyo ang mga kumpanya ng langis.

Posibleng umabot sa 90 centavos hanggang piso ang idadagdag sa presyo ng kada litro ng diesel, habang 25 hanggang 40 centavos naman ang madaragdag sa kada litro ng gasolina.

Sa presyo ng kerosene ay mayroon ding dagdag na piso hanggang P1.10 sa kada litro.

 

TAGS: LPG price rollback, oil price hike, LPG price rollback, oil price hike

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.