Van bumangga sa barikada sa Kalinga; 3 patay

Tatlo ang nasawi sa naganap na aksidente sa Tabuk City, Kalinga Biyernes ng gabi (February 7).

Bukod sa tatlong nasawi ay may siyam pang pasahero na nasugatan sa aksidente.

Ayon sa report ng mga otoridad, nawalan umano ng preno ang van na sinasakyan ng mga biktima kaya’t itoy tumagilid at sumalpok sa isang barikada dahilan para masawi ang tatlong biktima.

Agad namang isinugod sa pinakamalapit na ospital ang mga biktima.

Read more...