Antas ng tubig sa Angat Dam, nadagdagan

By Angellic Jordan February 08, 2020 - 12:30 PM

Bahagyang nadagdagan ang antas ng tubig sa Angat Dam sa nakalipas na 24 oras.

Sa datos ng PAGASA Hydrology Division bandang 6:00 ng umaga, umabot na sa 202.20 meters ang water level ng Angat Dam.

Mas mataas ito kumpara sa 202.16 meters na naitala noong Biyernes, February 7.

Tumaas din ang lebel ng tubig sa Ipo, La Mesa, Ambuklao, Binga at Caliraya Dams.

Samantala, nabawasan naman ang antas ng tubig sa San Roque, Pantabangan at Magat Dams.

TAGS: Angat Dam, PAGASA hydrology division, Angat Dam, PAGASA hydrology division

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.