Bilang ng nasawi sa China bunsod ng nCoV, pumalo na sa 722

AP PHOTO

Umabot na sa kabuuang 722 ang bilang ng nasawi sa China bunsod ng 2019-novel coronavirus (nCoV).

Sa update ng national health commission ng China, nasa 86 katao ang karagdagang nasawi dahil sa nasabing sakit.

Maliban dito, nadagdagan din ang mahigit 3,000 ang bilang ng mga apektado ng virus.

Umabot na sa 34,546 ang naitalang kaso sa mainland China.

Matatandaang mas mataas ang nasabing bilang kumpara sa naitalang kaso sa China at Hong Kong dahil sa SARS outbreak.

Read more...