#WALANGPASOK: Klase sa UE Manila suspendido pa rin bukas, February 8

Mananatiling walang pasok sa University of the East (UE) bukas, February 8 araw ng Sabado.

Sa abiso ng unibersidad, suspendido ang klase bukas sa UE Manila undergraduate college classes at sa UE Manila NSTP.

Mananatili namang tuloy ang klase sa College of Law at Graduate School.

Tuloy din ang Admissions Office operations, at ang pagsasagawa ng UE College Entrance Test (UE-CET) at UE Competency and Interest Assessment (UE-CAIA).

Ayon sa UE, ito ay kaugnay ng patuloy na pagsasagawa ng disinfection at general cleaning sa loob ng campus bilang preventive measures laban sa 2019-nCoV.

 

Read more...