Istriktong pagpapatupad ng 14-day quarantine para lang sa mga biyahero galing China, HK at Macau – DILG
Inabisuhan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang publiko partikular ang mga LGUs hinggil sa pagpapatupad ng mandatory quarantine sa mga biyaherong galing China, Hong Kong at Macau.
Ayon sa DILG, ang mandatory 14-day quarantine ay para lamang sa mga galing sa tatlong nabanggit na lugar.
Ang iba pang mga biyahero na dumarating sa mga paliparan o pantalan sa Pilipinas na galing sa iba pang bansa na apektado din ng novel coronavirus ay maaring sumailalim sa voluntary quarantine.
“As of today, the strict implementation of the 14-day quarantine provided in DILG Memo Circular 2020-023 (Amended Guide to Action against the 2019 Novel Coronavirus) refer only to travelers from China, Hong Kong and Macau,” ayon sa DILG
Pinayuhan din ang mga LGUs na mag-antabay ng mga update sa official website ng DILG na www.dilg.gov.ph at sa official DILG social media accounts na “DILG Philippines”.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.