Balitang may hinihinalang kaso ng 2019-nCoV sa University of the East Ramon Magsaysay Memorial Medical Center, hindi totoo
Hindi totoo ang balita na mayroong hinihinalang kaso ng novel coronavirus sa University of the East Ramon Magsaysay Memorial Medical Center (UERMMMC) sa Quezon City.
Kumalat ang naturang balita sa University of the East Manila Campus dahilan para magsuspinde ng klase ngayong araw sa naturang paaralan.
Base sa kumalat na balita, isang senior high school student ng UE Manila ang na-admit sa UERMMMC at isinailalim sa quarantine.
Lumaganap ang nasabing impormasyon sa social media.
Ayon kay DOH Assistant Regional Director Dr. Paz Corrales, base sa pahayag ng kanilang regional surveillance officer walang patient under investigation sa naturang ospital.
This after a report circulated on social media that a senior high school student at the University of the East Manila campus was admitted and quarantined at UERMMMC for being a PUI.
Sa pagsuspinde ngayong araw ng klase, ay nagsagawa ng disinfection at general cleaning activities sa unibersidad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.