Ban sa mga buhay na baboy ipinatupad sa Benguet
Nagpatupad ng temporary lockdown sa buong lalawigan ng Benguet laban sa pagpasok doon ng mga buhay na baboy.
Sa inilabas na executive order ni Benguet Gov. Melchor Diclas iniutos ang pagpapatupad ng ban sa pagpasok sa lalawigan ng live pigs.
Mananatili ang ban hangga’t hindi idinedeklara ng Bureau of Animal industru na ligtas na sa African Swine Fever ang swine industry.
Ilang baboy sa Benguet ang nagpositibo sa ASF batay sa pagsusuri ng BAI.
Ayon kay Diclas, ito ay dahil sa kabila ng mahigpit na pagbabawal sa swill feeding ilang swine raisers ang patuloy na bumibili ng swill mula sa mga tirang pagkain sa mga restaurant sa Baguio City.
Sinabi rin ni Diclas na ilang shippers ang nagpuslit ng hindi dokumentadong baboy sa lalawigan gamit ang mga pribadong sasakyan para makaiwas sa checkpoint.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.