1 sa 56 Italians na inilikas mula Wuhan nagpositibo sa 2019-nCoV

Nagpositibo sa 2019 novel coronavirus ang isang Italian na kabilang sa 56 na mamamayan ng Italy na inilikas mula Wuhan City.

Ayon sa health officials sa Lazio Region, dinala na sa Spallanzani National Institute for Infectious Diseases ang pasyente at inilibas na sa military facility na nagsisilbing quarantine area sa mga inilikas na mamamayan.

Isang 29 anyos ang pasyente.

Ang iba pang inilikas mula Wuhan ay nananatiling naka-quarantine.

Ang Italy ay mayroon nang tatlong kumpirmadong kaso ng nCoV.

Read more...