Dr. Manuel Muhi bagong presidente ng PUP
Inanunsyo ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) ang paghirang sa bagong presidente ng unibersidad.
Inihalal ng PUP Board of Regents si Dr. Manuel Muhi bilang ika-13 presidente ng PUP sa isinagawang special meeting araw ng Biyernes, Feb. 7.
Si Muhi ay nagsilbing Vice President for Academic Affairs ng unibersidad.
Papalitan ni Muhi si outgoing PUP President Emmanuel de Guzman na nakakumpleto na ng dalawang termino.
Tinalo ni Muhi ang apat na iba pang kandidato para sa PUP presidency na sina Theresita Atienza, Rufo Bueza, Divina Pasumbal, at Junithesmer Rosales.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.