Pagkamatay ng isang babae sa glutathione vaccine pinaiimbestigahan na ni Mayor Isko Moreno

By Jan Escosio February 07, 2020 - 04:58 PM

Inquirer photo
Inatasan na ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga hepe ng kanilang Health at Permits and Licenses Bureaus na imbestigahan ang pagkamatay ng isang babae matapos magpaturok ng glutathione sa isang spa sa Sampaloc.

Ayon kay Cesar Chavez, ang chief of staff sa Office of the Mayor, pinakokolekta lahat ni Moreno ang mga impormasyon kaugnay sa pagkamatay ng 33-anyos na si Shyril Distor.

Nagpaturok ng glutathione si Distor sa Glutaholics Spa.

Sa paunang impormasyon mula sa MPD, nawalan ng malay si Distor matapos maturukan ng glutathione.

Agad isinugod sa UST Hospital si Distor ngunit namatay na rin ito.

Nabatid na naturukan ang biktima ng Aqua Skin-Diamond Pro Ultra White-140, na gawa ng Skinnic Laboratorie at isang ampule ng ascorbic acid na Vitarex – C na mula sa Grand Pharmaceutical.

Ayon kay Chavez depende sa makakalap nilang impormasyon ang susunod na hakbang ng lokal na pamahalaan.

Aniya isa sa titingnan ay ang posibilidad ng kapabayaan sa bahagi ng establismento.

TAGS: Breaking News in the Philippines, glutathione, Inquirer News, manila, News in PH, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Sampaloc, spa, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, glutathione, Inquirer News, manila, News in PH, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Sampaloc, spa, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.