Unang kaso ng 2019-nCoV sa Pilipinas negatibo sa virus
Negatibo na sa 2019 novel coronavirus ang unang kaso ng sakit sa Pilipinas na isang babaeng Chinese.
Ayon sa Department of Health (DOH) naka-recover na ang 39 anyos na babaeng dayuhan at wala nang sintomas.
Sa huling pagsusuri na ginawa sa dayuhan noong February 6 ay negatibo na ang resulta.
Sinabi ni Health Undersecretary Eric Domingo isang pagsusuri pa ang kailangang gawin sa pasyente.
Kailangan aniya ng dalawang magkasunod na negatibong resulta bago ito mapalabas ng ospital.
Ang naturang pasyente ay galing Wuhan City sa China.
Ang partner niya na isa ring Chinese ay pumanaw noong nakaraang wekeend dahil sa 2019-nCoV.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.