Kotse binangga ng military truck na kukuha ng relief goods

Nagdulot ng pagsisikip sa daloy ng trapiko sa northbound lane ng Visayas Ave. sa Quezon City ang pagbangga ng isang military truck sa isang kotse.

Umabot hanggang sa tapat ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa Elliptical Road ang tail end ng traffic dahil sa aksidente.

Wasak ang bintana at yupi ang pintuan sa driver side ng Honda City (ZDT 842) na minamaneho isang empleyado ng GMA News TV dahil sa pagkabangga.

Ayon kay Karen Galarpe nasa 2nd lane sya ng Visayas Ave. nang mahagip ng military truck na minamaneho ni Corporal Marlon Ballatan na nakatalaga sa Army Support Command sa Camp General Nakar, Lucena City, Quezon.

Sinabi naman ng driver ng truck na biglang kumaliwa ang biktima at hindi agad niya ito napansin.

Patungo sana sa warehouse ng GMA ang truck kasama ang iba pang military truck upang magsakay ng mga relief goods.

Bahagyang pananakit naman sa kaliwang braso ang idinadaing ng driver ng kotse.

Read more...