Ito ang sentimiyento ni retired Army Brig. Gen. Bonifacio de Castro na isa sa mga sinibak na district collector ng BOC.
Si De Castro ay dating nakatalaga sa port of San Fernando La Union bago ito sinibak kasama ang ilan pang mga retiradong opisyal ng AFP na nakadestino sa BOC.
Giit ni De Castro, sa ilalim ng command responsibility, dapat si Lina ang tinanggal sa puwesto dahil sa kabiguang maabot ang P436 billion 2015 target revenue ng ahensya.
Hindi rin aniya makatarungang sila ang sisihin sa pagkabigong maabot ang naturang halaga dahil malaki ang naging epekto ng pagbagsak ng presyo ng krudo sa world market sa kanilang koleksyon.
Naniniwala rin si De Castro na pulitika ang dahilan ng kanyang pagkakaalis sa puwesto at sa pagtatangkang makaipon ng ‘campaign funds’ ng ilang pulitiko para sa nalalapit na eleksyon.
Gayunman, pinabulaanan ni Lina ang alegasyon ni De Castro.
Paliwanag ni Lina, ang Kongreso at hindi siya ang nagbasura sa budget appropriations sa mga ito.
Bukod kay De Castro natanggal din sa puwesto sina Esteban Castro-Clark International Airport; Ernesto Benitez Jr.-Port of Batangas; Mario Mendoza-Port of Manila; Elmir de la Cruz-Manila International Container Port; Arnulfo Marcos-Port of Cebu; Jerry Lorescom-Port of Zamboanga at Rolando Ricafrente-Port of Limay in Bataan.