Nag isyu na ng dalawang Hold Departure Order o HDO ang 3rd Division ng Sandiganbayan laban sa kontrobersyal na negosyanteng si Cedric Lee.
Si Lee ay nahaharap sa kasong graft at malversation sa Sandiganbayan dahil sa umano’y iregularidad sa kontratang nakuha nito para sa pagtatayo ng palengke sa Mariveles, Bataan.
Sahil sa dalawang HDO, para sa dalawang kaso, nangangahulugan na hindi basta makakalabas ng bansa si Lee maliban na lamang kung hihingi ito ng permiso sa korte.
Nag-ugat ang kaso ni Lee nang ang kumpanya nito na Izumo Contractors Inc., ay pumasok sa isang kontrata sa lokal na pamahalaan ng Mariveles, Bataan para sa pagtatayo ng pampublikong palengke doon.
Nabigyan ng advance na 23 million pesos ang Izumo Contractors Inc., kahit hindi ito pinapayagan sa panuntunan.
Nakuha rin umano ng kumpanya ang advance na ito kahit hindi naman natuloy ang proyekto.
Si Lee ay matatandaang naging kontrobersiyal matapos masangkot sa pambubugbog sa aktor at TV host na si Vhong Navarro. / Isa Avendaño-Umali
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.