Walang Pinoy sa dagdag na 41 katao na nagpositibo sa 2019-nCoV sa cruise ship sa Japan – DFA
Walang Pinoy na kabilang sa 41 katao na nadagdag sa nagpositibo sa novel coronavirus sa barko na nakadaong sa Yokohama, Japan.
Pahayag ito ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa pamamagitan ng Philippine Embassy sa Tokyo.
Sa ngayon nananatiling isang Pinoy lamang na mula sa Diamond Princess ang nagpositibo sa 2019-nCoV.
Una rito ay kinumpirma ng Japanese Ministry of Health na 41 pang sakay Diamond Princess ang nagpositibo sa nCoV.
Sa nasabing bilang 21 ay Japanese nationals at 20 ang iba pang lahi.
Hanggang February 19 pa tatagal ang mandatory quarantine sa mga sakay ng barko.
Mayroong mahigit 500 Pinoy sa nasabing barko na karamihan ay crew.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.