Maramihang paghahatid o pagsundo sa NAIA bawal muna
Dahil sa 2019-novel coronavirus, nakikiusap sa publiko ang Manila International Airport Authority (MIAA) na iwasan muna ang pagsasama ng marami kapag may ihahatid o susunduin sa paliparan.
Umapela si MIAA General Manager Ed Monreal sa mga pamilya, kaanak at kaibigan ng mga pasaherona huwag nang magsama ng madami lalo na ang mga itinuturing na vulnerable people gaya ng mga bata, nakatatanda at may problema sa kalusugan.
Ayon kay Monreal ang panawagan ay bahagi ng kanilang hakbang para masuportahan ang ginagawa ng pamahalaan upang maawat na lumaganap ang novel coronavirus sa bansa.
Payo ni Monreal kung may paalis na pasahero, sa bahay pa lamang ay magpaalaman na para hindi na masyadong madami ang maghahatid sa kaniya sa paliparan.
Nilimitahan na rin ng MIAA ang pag-iisyu ng visitors passes sa mga terminal sa NAIA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.