Inihahanda na ang Makati Friendship Suites para magamit bilang quarantine facility para sa mga mahahawa ng novel corona virus o NCoV.
Sa pahayag ng pamahalaang-lungsod, ang pagsasaayos ng dating hostel ay ginawa ng mga tauhan ng kanilang rescue, health at engineering departments.
Sinabi ni Mayor Abby Binay napakahalaga na mapaghandaan ng husto ang isang global health emergency.
Ginamit ang naturang hostel bilang pansamantalang tuluyan ng mga opisyal ng ibang lokal na pamahalaan na bumibisita sa Makati City.
Aniya prayoridad nila na maipatupad ang mga protocol at maihanda ang lahat ng kapagamitan para sa pagpigil sa pagkalat ng nakakamatay na virus sa lungsod.
Una nang ipinag-utos ni Binay ang pagsusumite ng lahat ng business and commercial establishments sa lungsod, partikular na ang mga POGO, na magsumite ng listahan ng kanilang mga empleado na kamakailan lang bumiyahe mula sa Mainland China, Macau at Hong Kong.
Kasabay nito ang babala na kakanselahin ang business permit ng mga susuway sa kanyang direktiba.
Sa Makati City Hall at health centers sa Makati ay naglagay na ng mga thermal thermometer bilang bahagi na rin ng pag-iingat ng lokal na pamahalaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.