Chinese na inaresto sa Maynila at nandura sa pulis isasalang sa inquest
Isasalang na sa inquest proceedings ngayong araw ang Chinese national na naaresto sa Maynila kahapon.
Ang Chinese ay si Zhou Zhi Yi, 50-anyos, na nahaharap sa patung-patong na kaso makaarang lumabag sa number coding, at nagtangka pang tumakas na nauwi sa pag-araro niya sa ilang mga motor at kotse hanggang sa maharang sa Tayuman kanto ng Jose Abad Santos.
May nakita ring ilegal na droga sa kaniyang puting SUV at nang kinakausap ng mga otoridad ay nandura ng pulis ang Tsinong suspek.
Sa panayam kay Lt. Col. Carlo Manuel, tagapagsalita ng MPD, mga kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act, Direct Assault to the Person of Authority at Unjust Vexation ang kahaharapin ng Chinese.
Bukod naman sa mga pagsasampa ng kaso laban sa Tsino, sinabi ni Manuel na nakikipag-ugnayan na ang MPD sa Chinese Embassy at Bureau of Immigration upang mabatid kung may iba pang kaso ang suspek at para makakuha ng iba pang detalye hinggil sa lalaki.
Samantala sa isyu ng pandudura ng Chinese kay Staff Sergeant Allan Escramosa, sinabi ni Manuel na mariing kinokondena ito ng MPD.
Ginawa lang ng pulis ang kanyang trabaho, ngunit sa kasamaang palad ay naduraan at nabastos pa ng naarestong Chinese.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.