Ban sa mga poultry products mula sa Czech Republic ipinag-utos ng DA
Ipinag utos na ng Department of Agriculture ang pagban sa mga poultry products mula sa Czech Republic.
Base sa Memorandum Order No. 13 na nilagdaan ni Agriculture Secretary William Dar, ang temporary ban ay upang maiwasan ang pagpasok ng H5N8 Highly Pathogenic Avian Influenza o HPAI.
Base anya sa ulat na isinumite ng State Veterinary ng Czech Republic sa World Organization for Animal Health ay mayroong outbreak ng H5N8 sa kanilang bansa.
Bukod sa mga poultry products hindi muna maaring pumasok sa bansa ang mga semen, day old chick, wild at domestic chick mula sa Czech Republic.
Suspendido rin ang pagproseso ng mga Sanitary at Phytosanitary import clearance ng mga nasabing produkto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.