4 sa 8 PUIs sa Negros Oriental nag-negatibo sa 2019-nCoV

Apat sa walong persons under investigation (PUIs) sa Dumaguete City, Negros Oriental ang nag-negatibo sa novel coronavirus.

Ito ay base sa initial swab test na isinagawa sa kanila ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Tatlo sa nag-negatibo ay nagkaroon ng direct contact sa Chinese couple na bumiyahe sa lalawigan bago sila ma-ospital sa Maynila.

Ang isang PUI naman na nag-negatibo ay may history ng pagbiyahe sa Hong Kong.

Sa kabilang ng negative na resulta sa inisyal na pagsusuri ay sasailalim pa sa isa pang round ng swab tests ang apat bago sila palabasin ng ospital.

Read more...