285 na pasahero ng fast craft na sinakyan ng Chinese National na nagpositibo sa nCoV hinahanap ng DOH
Hinahanap ng provincial government ng Bohol ang 285 na mga pasahero ng isang fast craft mula Cebu at nagtungo ng Bohol noong January 20.
Magugunitang ang ikatlong kaso ng novel coronavirus sa Pilipinas na isang Chinese national ay dumating sa Cebu at nagtungo sa Bohol.
January 22 nang magpakonsulta siya sa pagamutan sa Bohol matapos lagnatin.
Ayon sa abiso ng Provincial Health Office ng Bohol, lahat ng pasahero ng Ocean Jet noong January 20, 2020 sa biyaheng alas 5:40 ng hapon mula Cebu patungong Tagbilaran City ay pinaoayuhang magpatingin sa duktor.
Mula sa 285 na mga pasahero, mayroon nang na-contact na 32 katao ang PHO.
Ang nalalabing iba pang pasahero ay pinapayuhang tumawag sa Provincial Government ng Bohol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.