41 pang sakay ng Diamond Princess sa Japan nagpositibo sa 2019-nCoV

By Dona Dominguez-Cargullo February 07, 2020 - 09:58 AM

Umakyat na sa 61 ang bilang ng nagpositibo sa novel coronavirus mula sa mga sakay ng barkong nakadaong sa Yokohama, Japan.

Dagdag na 41 pang katao ang nagpositibo sa 2019-nCoV dahilan para umabot na sa 61 ang magpositibo sa sakit mula sa mga sakay ng Diamond Princess.

Hindi pa naman inilalabas ang nationalities ng mga bagong nakumpirmang positibo sa nCoV.

Mayroong mahigi 500 na sakay ng barko.

Ang virus ay nagmula lamang sa isang 80 anyos na lalaki mula sa Hong Kong na sumakay sa naturang barko noong January 20 mula Yokohama at bumaba sa Hong Kong noong January 25.

Pagdating sa Hong Kong ay nagpositibo ito sa virus, dahilan para isailalim na sa quarantine ang lahat ng sakay ng barko nang makabalik sa Yokohama.

Mayroong 3,700 na sakay ang Diamond Princess kabilang na ang mga crew.

Dahil sa panibagong datos, umakyat na sa 86 ang bilang nga kumpirmadong kaso ng nCoV sa Japan.

TAGS: 61 passengers, Breaking News in the Philippines, department of health, diamond princess, Health, Inquirer News, ncov, News in PH, novel coronavirus, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, 61 passengers, Breaking News in the Philippines, department of health, diamond princess, Health, Inquirer News, ncov, News in PH, novel coronavirus, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.