150 Pinoy galing China at special administrative regions (SAR) nito dumating sa Cebu sa nakalipas na 5 araw
Sa loob ng nakalipas na limang araw mayroong 150 Filipinos na ang dumating sa Mactan Cebu International Airport (MCIA) galing China at special administrative regions (SAR) nito.
Ang mga pasahero ay dumating sa pagitan ng February 2 hanggang February 6, 2020.
Base sa datos ng paliparan 88 Pinoy galing China at SAR nito ang dumating sa Cebu noong February 2; 17 noong February 3; 27 noong February 4; 10 noong February 5; at 8 noong February 6.
Ayon kay MCIA Authority general manager, Atty. Steve Dicdican, mayroong ilang pasahero ang dinala sa quarantine facilities, pero hindi lalagpas sa 10 ang kanilang bilang.
Karamihan sa mga pasaherong dumating ay residente ng Cebu kaya pinayuhan silang magsagawa ng
home quarantine.
Mayroong designated holding area sa Terminal 2 ng Mactan Airport bago sila payagang umuwi ng bahay kung sila ay taga-Cebu o kaya ay dadalhin sa quarantine area kung hindi sila taga-Cebu.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.