Amihan patuloy na umiiral sa Luzon; malaking bahagi ng Visayas uulanin dahil sa LPA
Patuloy pa ring nakakaapekto ang Northeast monsoon o Amihan sa Luzon ngayong araw (February 7).
Ayon sa PAGASA, patuloy na makararanas ng maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan sa Cagayan Valley, Aurora, Quezon at sa Bicol Region dahil sa epekto ng Amihan.
Sa nalalabing bahagi naman ng Luzon kasama na ang Metro Manila ay patuloy na makararanas ng maaliwalas na panahon na may posibilidad pa rin ng mga pulo-pulong mahinang pag-ulan.
Samantala ang Low Pressure Area (LPA) ay huling namataan sa 285 kilometers East Southeast ng Davao City.
Ang trough ng LPA at tail-end ng cold front ay patuloy na nakakaapekto sa malaking bahagi ng Visayas at Mindanao region.
Maulap na kalangitan na may pag-ulan, pagkidlat at pagkulog ang mararanasan sa malaking bahagi ng Visayas dahil sa epekto ng trough ng LPA.
Maaliwalas na panahon na may posibilidad pa rin ng mga mahinang pag-ulan ang mararanasan sa Palawan.
Dahil pa rin sa epekto ng trough ng LPA ay maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat at pagkulog ang mararanasan sa Northern Mindanao, Caraga region at Davao region.
Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat at pagkulog ang mararanasan sa Zamboanga Peninsula.
Sa nalalabing bahagi naman ng Mindanao ay maaliwalas na panahon na may isolated rain showers dulot ng localized thunderstorm ang mararanasan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.