Tricycle nadaganan ng 40-footer container van sa Zamboanga City, isa sugatan

Isa ang nasugatan matapos madaganan ng 40-footer container van ang isang tricycle sa entrance gate ng pantalan sa Zamboanga City, Huwebes ng gabi (February 6).

Base sa pahayag ng driver ng container van na nakilala sa pangalang Bernard Lariaga, sinubukan niya umanong umiwas sa isang matanda na tumatawid sa daan.

Nawalan ng kontrol sa minamanehong container van ang driver dahil sa ginawang pag-iwas sa matanda kaya’t bumaliktad ito.

Nahagip ng container van ang isang tricycle at kuliglig na naka-park sa tabi ng daan.

Nagtamo ng galos sa katawan ang driver ng container van.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon sa insidente.

Read more...