3 lalaki arestado sa kasong robbery extortion sa Navotas

By Mary Rose Cabrales February 07, 2020 - 04:45 AM

Arestado ang tatlong lalaki sa ikinasang entrapment operation ng mga otoridad sa Barangay San Rafael Village, Navotas.

Isang lalaking Senior Fire Officer 2, at dalawang Fire Officer 1 ang naaresto sa ikinasang operasyon.

Ayon kay Police Col. Rolando Balasabas, hepe ng Navotas Police, dumulong sa kanila ang biktima na si Jessie Que, 77 taong gulang na nasunugan ng garahe nitong Pebrero 1 na agad namang nirespondehan ng mga bombero ngunit halos isang linggo na ang nakalipas ay hindi pa rin siya binibigyan ng recovery permit at incident report at hinihingian siya ng P100,000 kapalit ng mga ito.

Dahil dito nagkasa ng entrapment operation ang mga otoridad kung saan nakipagtransksayon ang biktima sa mga suspek at nakiusap na P10,000 muna ang kanyang ibibigay at nang magpositibo ang transaksyon ay doon na inaresto ang mga suspek.

Nahaharap sa kasong robbery extortion ang mga naarestong suspek.

TAGS: Breaking News in the Philippines, Inquirer News, navotas, News in PH, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Robbery, Tagalog breaking news, tagalog news website, three arrested, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, navotas, News in PH, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Robbery, Tagalog breaking news, tagalog news website, three arrested

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.