Magkakasunod na aftershocks naitala sa Davao Occidental matapos ang M6.1 na lindol

Magkakasunod nang aftershocks ang naitala sa Davao Occidental kasunod ng magnitude 6.1 na lindol na tumama Huwebes ng gabi sa Jose Abad Santos.

Pinakamalakas na aftershock ay may magnitude 4.5 na naitala alas 2:43 ng madaling ngayong Biyernes (Feb. 7).

Ayon sa Phivolcs, ang epicenter ng lindol ay naitala sa 87 kilometers southeast ng Jose Abad Santos.

May lalim itong 17 kilometers.

Nakapagtala din ng magnitude 3.4 alas 2:43 ng madaling araw na ang epicenter ay sa Jose Abad Santos pa rin.

Magnitude 3.2 naman ang yumanig sa Glan, Sarangani alas 3:08 ng madaling araw.

At magkasunod na magnitude 3.3 at 3.5 na lindol sa Jose Abad Santos Davao Occidental at sa Banganga, Davao Oriental.

Read more...