Mga uuwing Pinoy galing Hubei Province sa China sa New Clark City na lang sa Tarlac dadalhin para sa quarantine
Sa halip na sa Fort Magsaysay sa Laur, Nueva Ecija na unang inanunsyo ng gobyerno ay ang New Clark City na lamang sa Capas, Tarlac ang gagamitin para sa pag-quarantine ng mga uuwing Pinoy galing Hubei Province sa China.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ang pasilidad ay inialok ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA).
Ang mga uuwing OFWs ay ididiretso sa athlete’s village ng New Clark City.
Kada tao ay pagkakalooban ng isang kwarto habang sila ay naka-quarantine.
Limitado lang din ang magiging galaw nila sa loob ng gusali.
Araw-araw silang ipaghahanda ng pagkain na dadalhin sa pasilidad.
Ayon kay Foeign Affairs Undersecretary Brigido Dulay, ang unang batch ng mga uuwing OFW ay aalis sa China sa Sabado at inaasahang darating sa bansa sa Linggo ng umaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.