IRR ng Philippine Competition Act, aasikasuhin na ngayong linggo

By Kathleen Betina Aenlle February 01, 2016 - 04:43 AM

 

Mula sa inquirer.net

Pagtutuunan ng pansin ng bagong buo na Philippine Competition Commission ngayong linggo ang pagbuo ng mga implementing rules and regulations (IRR) ng Republic Act No. 10667 o ang Philippine Competition Act.

Ayon sa bagong talagang pinuno ng nasabing komisyon na si Arsenio Balisacan, ang kanilang unang gawain ay ang tiyakin na matapos na ang mga alituntunin para sa batas na inaprubahan ni Pangulong Aquino noon pang buwan ng Hulyo ng nagdaang taon.

Layon ng Philippine Competition Act na tiyakin ang patas na kompetisyon sa larangan ng negosyo at kalakalan sa bansa.

Ani pa Balisacan, mapo-protektahan rin ng nasabing batas ang mga consumers mula sa mga abusadong negosyante o negosyo.

Sa pamamagitan nito, mapipigilan na ang mga ipinagbabawal na anti-competitive agreements, mergers o mga acquisitions na pinipigilan ang kompetisyon, pati na rin ang pang-aabuso sa mataas na posisyon.

Bagaman may naihanda nang draft ng IRR ayon kay Balisacan, ngunit hinihintay na ng merkado ang pinal na IRR ng batas na dapat pala ay nailabas na noon pang fourth quarter ng 2015.

Dahil wala pang pinal na panuntunan ang Philippine Compeition Commission, tumanggi muna si Balisacan na tukuyin kung anong mga sektor o kumpanya ang una nilang bubusisiin.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.