Ayon kay Dr. Henry Lim Bon Leong, presidente ng FFCCCII, kumpiyansa siya na mananatiling matatag ang economic growth ng bansa mula 6.5 percent hanggang 7.5 percent ngayong 2020.
Mananatili rin aniya ang tiwala ng mga Chinese investor sa ekonomiya ng Pilipinas ngunit umaasa si Leong na hindi tatagal ang 2109 novel corona virus acute respiratory disease.
Umaasa si Lim na sa loob ng dalawang buwan ay makokontrol na at tuluyang mawawala ang corona virus.
Ngunit sakali aniyang tumagal ang virus nang higit sa apat na buwan ay tiyak na magdudulot ito negatibong apekto sa ekonomiya bansa lalo na aniya sa sektor ng turismo.
Samantala, namigay ngayon ng facemask ang federation sa mga tao sa ilang mall sa Binondo, Maynila.