Chinese community sa bansa, aminadong nakaapekto ang nCoV sa negosyo

By Ricky Brozas February 06, 2020 - 06:49 PM

Aminado ang Federation of Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry Incorporated o FFCCCII, na lumikha ng malaking problema ang 2109 novel corona virus acute respiratory disease (2019-nCoV ARD).

Ayon kay Dr. Henry Lim Bon Leong, presidente ng FFCCCII, kumpiyansa siya na mananatiling matatag ang economic growth ng bansa mula 6.5 percent hanggang 7.5 percent ngayong 2020.

Mananatili rin aniya ang tiwala ng mga Chinese investor sa ekonomiya ng Pilipinas ngunit umaasa si Leong na hindi tatagal ang 2109 novel corona virus acute respiratory disease.

Umaasa si Lim na sa loob ng dalawang buwan ay makokontrol na at tuluyang mawawala ang corona virus.

Ngunit sakali aniyang tumagal ang virus nang higit sa apat na buwan ay tiyak na magdudulot ito negatibong apekto sa ekonomiya bansa lalo na aniya sa sektor ng turismo.

Samantala, namigay ngayon ng facemask ang federation sa mga tao sa ilang mall sa Binondo, Maynila.

TAGS: 2019-nCoV ARD, Chinese investor, ekonomiya ng Pilipinas, FFCCCII, 2019-nCoV ARD, Chinese investor, ekonomiya ng Pilipinas, FFCCCII

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.