DOLE binawi na ang deployment ban sa Kuwait

Inalis na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang ipinatutupad na total deployment ban sa Kuwait.

Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III inalis na ang total deployment ban ngunit mananatili pa ang partial deployment ban sa nasabing bansa.

Ang mga skilled, semi-skilled, at professional workers ay makakabalik na sa Kuwait ngunit ang mga Household Service workers ay hindi parin maaaring bumalik sa nasabing bansa.

Aminado naman si Bello na sa ngayon ay may mga pag-aaral ng ginagawa sa posibilidad na maging permanente na ang pagbabawal sa pagpapadala ng Household Service workers sa Kuwait.

Matatandaang una ng ipinagbawal ang pagpapadala ng mga OFW sa Kuwait kasunod ng pagkamatay ni Jeanelyn Villavende.

Nagdesisyon ang DOLE na alisin na ang total deployment ban at magpatupad na lamang ng partial ban matapos masampahan na ng kasong murder sa korte ang mga employer ni Villavende.

Excerpt:
Ang total deployment ban ay inalis matapos masampahan na ng kasong murder sa korte ang mga employer ni Villavende at nagdesisyon na magpatupad na lamang ng partial ban.

Read more...