Bagong passenger terminal building sa Clark International Airport halos tapos na

By Erwin Aguilon February 06, 2020 - 02:43 PM

Ipinagmalaki ng Department of Transporation (DOTr) na halos isandaang porsyentong tapos na ang Passenger Terminal Building ng Clark International Airport.

Ayon sa DOTr, hanggang noong katapusan ng Enero ng kasalukuyang taon ay umabot na sa 95.41% itong kumpleto.

Kapag natapos ang proyekto ay mati-triple nito ang paseenger capacity ng Passenger Terminal ng Clark Airport mula sa 4.2 milyong patungo sa 12.2 milyon.

Target matapos ang proyekto sa kalagitnaan ng kadsalukuyang taon.

Sabi ng DOTr, magdadala ng pag-unlad sa ekonomiya ng Central Luzon ang nasabing proyekto ng pamahlaaan.

Hindi rin lamang anila ito makatutulong upang madecongest ang Ninoy Aquino International Airport bagkus lilika ito ng maraming trabaho at magpapakas pa sa turismo ng rehiyon.

Higit din ayon sa ahensya na mabibiyayaan ng proyekto sa Clark Airport ang New Clark City na nakikitang susunod na pinakamahalaagang megapolis sa Luzon.

TAGS: clark airport, Clark International Airport, dotr, New Clark City, passenger terminal building, clark airport, Clark International Airport, dotr, New Clark City, passenger terminal building

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.