Mga private establishments dapat ding tumulong upang malabanan ang pagkalat ng nCoV

Pinatutulong ni ACT-CIS Partylist Rep. Jocelyn Tulfo ang mga pribadong establisyimento sa bansa sa ginagawang paglaban ng gobyerno sa novel coronavirus (2019-nCoV ARD) sa bansa.

Ayon sa mambabatas, kailangang mayroong 24-7 sanitation at personal hygiene measures sa kanilang mga tauhan at kliyente ang mga malls, hotels, tour operator, tourist bus, airlines, at POGOs.

Kabilang dito ang sanitation ng mga contact points tulad ng door handles, elevator buttons, escalators, railings, at palikuran.

Pinatitiyak din na handa at equipped ang mga in-house nurses at first aiders na naka-duty.

Hiniling din nito sa DTI ang agarang pagpapapataw ng price control sa mga sabon, face mask, rubbing alcohol, bleach at iba pang personal hygiene products.

Pinababantayan rin ni Tulfo ang posibleng pananamantala ng mga negosyo at tindahan ngayong kinakailangan ang face mask at hygiene products.

Read more...