Las Piñas Hospital hindi totoong naka-lockdown dahil sa nCoV


Hindi totoo ang mga ipinakakalat na balita na naka-lockdown ang ang Las Piñas Doctors Hospital (LPDH) dahil sa kaso ng 2019 novel coronavirus.

Base sa mga ipinakakalat na balita sa Facebook, naka-lockdown umano ang ospital dahil mayroong pasyente na dinala doon na kumpirmado sa nCoV.

Sa inilabas na pahayag ng Las Piñas City Government, sa kasalukuyan ay wala pang naitatalang kaso ng 2019 nCov sa lungsod.

Pinakikiusapan din ang publiko na maging responsable sa mga ibinahaging impormasyon sa social media.

Ayon pa sa lokal na pamahalaan, ang mga nagpapakalat ng maling balita ay maaring papanagutin sa batas.

Read more...