Pagbibigay ng 14th month sa mga empleyado muling inihain sa Kamara

February 06, 2020 - 01:09 PM

Inihaing muli sa Kamara ang panukala upang mabigyan ng 14th month pay ang mga manggagawa sa gobyerno at pribadong sektor.

Base sa House Bill No. 6198 ni ACT CIS partylist Rep. Eric Yap, nakasaad na tatanggap ng 14th month pay ang empleyado anuman ang kanyang employment status.

Sa ilalim ng panukala, matatanggap ng mga empleyado ang 13th month ng hindi lalagpas sa ika-31 ng Mayo at ang 14th month pay na hindi lalagpas sa ika-15 ng Nobyembre.

Sinabi ni Yap na hindi na sapat ang sweldo at ang 13th month pay lang para tustusan ang mga pangangailangan ng manggagawang Pilipino.

Tuwing Pasko anuya ay maraming gastos kaya agad ring nauubos ang 13th month pa na kanilang natatanggap at walang natitira sa ibang bayarin sa ibang buwan gaya na lamang ng pangmatrikula.

Iginiit ng kongresista na kailangang maipasa ang panukala para matiyak na tatanggap ang bawat manggagawa ng well-deserved nilang bonus.

TAGS: 14th month pay, Bonus, employees, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, 14th month pay, Bonus, employees, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.