Pag-rebyu ng DepEd sa K to 12 program aprubado na ni Pangulong Duterte
Ikinasa na ng Department of Education ang programang “SULONG EduKALIDAD” na naglalayong i-review at i-update ang K to 12 curriculum.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, inilahad ni Education Secretary Leonor Briones ang naturang programansa cabinet meeting at agad na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Panelo, layunin din ng DepEd na mapalakas pa ang learning environment at mabigyan ng upskill at reskill ang mga guro.
Kasabay nito, sinabi ni Panelo na nagpaliwanag din si Briones kay Pangulong Duterte sa pagsali ng DepEd sa 2018 Programme for International Student Assessment (PISA).
Ayon kay Panelo, batid na ni Briones na hindi makakukuha ng paborableng resulta ang Pilipinas sa PISA pero nagpasya pa ring sumali para magkaroon ng baseline ang edukasyon ng bansa at masukat ang kaalaman ng mga estudyante at guro base sa international standards.
Sa ganitong paraan aniya matutugunan ng DepEd ang mga pangangailangan upang maging maayos ang sistema ng edukasyon sa P.
Matatandaan na base sa resulta ng PISA noong December 2019, dismal ang rating ng Pilipinas sa reading comprehension at second lowest sa 79 na bansa sa mathematical at scientific literacy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.