Mga miyembro ng NUP sa Kamara nadagdagan pa

Nadagdagan pa ng apat ang bilang ng mga miyembro ng National Unity Party o NUP sa Kamara.

Kabilang sa mga bagong miyembro ng NUP sa Mababang Kapulungan na nanumpa ngayon ay sina Deputy Speaker at Mandaluyong Rep. Neptali Gonzales II, Deputy Speaker at Laguna Rep. Dan Fernandez, La Union Rep. Sandra Eriguel at Cagayan De Oro Rep. Rolando Uy.

Kaugnay nito, tiniyak ni NUP President at Cavite Rep. Elpidio Barzaga, ang pakikiisa sa pag-apruba sa mga legislative measure ng Duterte administration.

Ang pagdami anya ng bilang ng partido sa Kamara ay makakatulong para sa mabilis na pagapruba ng mga panukalang isinusulong ng gobyerno.

Sa ngayon aniya ay napakaraming problema na kailangang solusyunan na sa tingin ni Barzaga ay makakatulong ang partido ng malaki sa pamahalaan.

Kabilang na rito ang pagbibigay solusyon sa problema sa coronavirus, pagsasaayos ng resettlement sa mga biktima ng Taal at ang mabilis na proseso ng 2021 national budget.

Sa kasalukuyan ay nasa 62 na ang miyembro ng NUP sa Kamara kung saan 49 ang district representatives, 12 partylists at 1 honorary member sa katauhan ni Deputy Speaker Paolo Duterte.

Read more...