Dating MRT GM Al Vitangcol hinatulang guilty ng Sandiganbayan sa kasong graft
Hinatulang guilty ng Sandiganbayan sa mga kasong katiwalian si dating MRT General Manager Al Vitangcol.
Base sa 44-pahinang desisyon ng 3rd Division ng Sandiganbayan napatunayang guilty beyond reasonable doubt sina Vitangcol at uncle-in-law nito na si Arturo Soriano sa kasong paglabag sa RA 3019 o ang sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at RA 9184 o ang Government Procurement Act.
Hinatulan ang mga ito na mabilanggo ng tig-anim na taon at isang buwan hanggang walong taon sa bawat kaso.
Ang dalawa ay pinagbawalan na rin humawak ng anumang posisyon sa pamahalaan.
Samantala, pinawalang-sala naman ang dalawa sa isa pang kaso ng paglabag sa anti-graft law.
Ang kaso ay kaugnay sa maanomalyang maintenance contract na inaward ng MRT-3 sa PH Trams kung saan si Soriano ay isang executive officer.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.