Red warning nakataas pa rin sa ilang lalawigan sa Visayas dahil sa pag-ulan dulot ng LPA
Nakataas pa rin ang heavy rainfall warning sa ilang lalawigan sa Visayas dahil nararanasang pag-ulan dulot ng trough ng Low Pressure Area (LPA).
Alas 11:00 ng umaga sinabi ng PAGASA na red warning level ang nakataas sa Cebu, Bohol, Southern Leyte, Leyte, at Biliran.
Maaring magdulot ng matinding pagbaha ang nararanasang pag-ulan lalo na sa mabababang lugar.
Yellow warning naman ang nakataas sa Siquijor at Negros Oriental.
Sa Mindanao apektado rin ng trough ng LPA ang ilang lalawigan.
Alas 11:10 ng umaga nakataas ang orange warning level sa Surigao del Norte, mga bayan ng Carrascal, Cantilan, Madrid, Carmen, at Cortes sa Surigao del Sur at sa DinagatIslands.
Habang yellow warning naman ang nakataas sa Camiguin at Agusan del Norte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.