10,000 kabataang refugees, posibleng hawak ng mga sex traffickers- Europol

By Jay Dones February 01, 2016 - 04:31 AM

 

Mula sa Google

Nasa 10,000 mga kabataan na tumakas mula sa kanilang bansa at lumikas patungong Europa ang naglaho at pinangangambahang nalinlang na ng mga sindikato ng sex traffickers, ayon sa European Union police o Europol.

Ayon kay Europol press office chief of staff Brian Donald, ang naturang bilang ay mula sa talaan ng mga nagparehistrong mga migrants nang makapasok ang mga ito sa Europe.

Sa Italy pa lamang aniya, nasa 5,000 kabataan o menor de edad ang kasalukuyang hindi na mahagilap sa ngayon.

Gayunman, nilinaw ni Donald na hindi naman lahat ng mga nawawala ay hawak na ng mga sex traffickers.

May posibilidad aniya na ang karamihan sa mga ito ay nanunuluyan na sa kani-kanilang mga pamilya.

Ang problema lamang, hindi na nila mahanap ang mga ito.

Sa kasalukuyan, nasa isang milyong mga migrants at refugees ang tumakas mula sa kaguluhan sa bansang Syria at tumawid patungo sa mga bansa sa Europa noong nakaraang taon.

Nasa 27 porsiyento sa mga ito o 270,000 ay mga menor de edad.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.