3 patay matapos masagasaan ng truck sa Laguna

Patay ang tatlong katao makaraang masagasaan ng truck sa Pangil, Laguna.

Naglalakad lang sa gilid ng kalsada ang tatlo at pauwi galing sa dinaluhang birthday nang mangyari ang aksidente Huwebes, (Feb. 6) ng madaling araw.

Ayon kay Patrolman Chester Dator ng Pangil Municipal Police, mabilis ang andar ng truck at nawalan ng kontrol nang mag-overtake sa isa pang truck.

Maliban sa tatlong nasawi, mayroong dalawa pang nasugatan at ginagamot sa ospital.

Hawak na ng mga otoridad ang driver ng truck na nagdahilan na nawalan umano ng preno ang kaniyang sasakyan.

Mahaharap siya sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide.

Read more...