2 barko ng PH Navy na maglilikas sa mga Pinoy sa Gitnang Silangan dumating na sa Oman
Dumating na sa Oman ang dalawang barko ng Philippine Navy na tutulong sa paglilikas ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Gitnang Silangan.
Ayon sa Philippine Navy, ang BRP Ramon Alcaraz at BRP Davao del Sur ay nakadaong na sa Sultan Qaboos Port.
Lulan ng dalawang barko ang mga tauhan ng Naval Task Force 82 sa pamumuno ni Col. Noel Beleran
Pagdating sa Oman agad nag-courtesy call ang Philippine Contingent kay Philippine envoy to Oman, Ambassador Narciso Castañeda.
Ang dalawang barko ang pagsasakyan ng mga Pinoy na sasailalim sa repatriation matapos maapektuhan ng tensyon sa Gitnang Silangan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.