Cremation sa Chinese na nasawi sa Pilipinas dahil sa nCoV muling naantala
Naantala na naman ang cremation sa Chinese national na nasawi sa Pilipinas dahil sa novel coronavirus.
Ayon sa Department of Health (DOH) ito ay matapos mag-back out na naman ang punerarya na una ang tumanggap sa mga labi para mai-cremate.
Sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III, kasalukuyang naka-body bag at selyado ang katawan ng Chinese.
Una rito sinabi ni Duque na dapat kahapon ay matutuloy na ang cremation dahil isang punenarya sa Quezon City ang tumanggap na mga labi.
Nakakuha na rin ng clearance ang DOH sa pamilya ng Chinese para agad itong mai-cremate.
Aminado si Duque na lagpas na sa itinakdang panahon para mai-cremate ang dayuhan kaya pinupursige nilang makahanap na ng punerarya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.