DepEd nakikipag-ugnayan sa PAL at CebuPac para sa nabiling airline tickets ng mga delagado ng kinansela nakanselang events bunsod ng nCoV scare

By Dona Dominguez-Cargullo February 06, 2020 - 09:57 AM

Maglalabas ng abiso ang Department of Education (DepEd) para sa mga delegado ng mga nakanselang malalaking events ng DepEd.

Marami kasi sa mga delegado ang nakabili na ng kanilang plane tickets patungo sa lugar na pagdarausan dapat ng mga nakanselang aktibidad.

Kabilang sa kinansela ng DepEd dahil sa banta ng 2019 novel coronavirus at ang National Schools Press Conference, National Festival of Talents, at National Science and Technology Fair.

Ayon sa abiso ng DepEd, lahat ng DepEd officials, mga guro, personnel, mga estudyante, magulang at guardians ay kanilang aabisuhan kung paanong maire-refund ang ibinayad nila sa plane tickets.

May mga delegado kasi na ang nbabiling tickets ay hindi pwedeng irebook at non-refundable.

Ayon sa DepEd, nakikipag-ugnayan na sila sa Cebu Pacific at sa Philippine Airlines hinggil dito.

TAGS: 2019 ncov, airline tickets, department of health, deped, Health, Inquirer News, National Festival of Talents, National Schools Press Conference, National Science and Technology Fair, News in the Philippines, novel coronavirus, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, 2019 ncov, airline tickets, department of health, deped, Health, Inquirer News, National Festival of Talents, National Schools Press Conference, National Science and Technology Fair, News in the Philippines, novel coronavirus, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.